←
DepEd23,552 posts
DepEd avatar

DepEd

@DepEd_PH

The executive agency for basic education of the Republic of the Philippines. For comments, queries, or complaints, email us at depedactioncenter@deped.gov.ph

◷ Joined October 2010▧ 10,724 Photos and videos
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·16h

Sa loob lamang ng 15 minuto, masusuri na ng mga guro kung ang isang mag-aaral ay nangangailangan ng karagdagang tulong sa pag-aaral o pagsasalita gamit ang bagong screening tool ng Department of Education (DepEd) upang matiyak na agad silang makatatanggap ng kaukulang pangangalaga mula sa mga espesyalista, ayon kay Education Secretary Sonny Angara. Basahin: deped.gov.ph/2026/11/18/mula… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·22h

Hindi lahat ng nagkukwento ay naghahanap agad ng payo. Minsan, ang kailangan muna ay maramdaman na may nakauunawa. 💛 Kapag nakikinig tayo nang walang panghuhusga, mas nagiging komportable ang ating kapamilya na magsabi ng totoong saloobin, pati ng mga bagay na mahirap ikwento. Narito ang ilang tips sa active listening mula sa Usapang Pamilya ng AHA na pwedeng isabuhay sa ating mga tahanan. #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachmentPost attachmentPost attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 17

MGA KUWENTO NG PAG-ANGAT | TINIG NG LEARNERS 🔈 Sa paglahok sa #PISA2025, mas nakilala ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan, natukoy ang mga puwede pa nilang pagbutihin, at napalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Para sa DepEd, higit pa sa isang assessment ang PISA. Isa itong pagkakataon upang masukat at higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga batang Pilipino, at maipakita na kaya nilang makipagsabayan sa mga mag-aaral sa lokal at pandaigdigang antas. #ArangkadaSaPISA #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 16

Nagkaisa ang mga lider ng ASEAN sa pagsuporta sa ASEAN Declaration on Foundational Learning, isang makasaysayang inisyatiba ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pundasyon ng pagkatuto sa pagbasa, matematika, at sosyo-emosyonal na pag-unlad ng mga bata sa rehiyon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagbabahagi ng mga estratehiya, patuloy na isusulong ng mga bansa sa ASEAN ang dekalidad na edukasyon at mas matatag na kinabukasan para sa bawat mag-aaral. #DepEdPhilippines #BagongPilipinas #ASEAN2026PH

Post attachmentPost attachmentPost attachmentPost attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 13

MGA KUWENTO NG PAG-ANGAT | TINIG NG LEARNERS 🔈 Para sa mga mag-aaral, mahalaga ang kanilang pakikilahok sa #PISA2025 sapagkat nakatulong ito sa kanila upang malaman kung ano pa ang kanilang makakaya. Naging tulay rin ito upang mas lalong mag-improve ang kanilang skills at magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Para sa DepEd, ang PISA ay hindi lamang isang assessment, ito ay ating paraan upang mailabas ang tunay na kakayahan ng bawat batang Pilipino at mapatunayan na kaya nilang makipagsabayan lokal man o international na assessment. #ArangkadaSaPISA #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 13

Mas malaking tulong-pinansyal para sa technical professional (TechPro) training ang matatanggap ng mga kwalipikadong Grade 12 public senior high school learner sa buong bansa sa ilalim ng Joint Delivery Voucher Program (JDVP) ng Department of Education (DepEd) simula School Year 2026–2027. Basahin: deped.gov.ph/2026/11/13/dagd… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 13

Para mas mailapit ang learners sa tunay na mundo ng trabaho pagkatapos ng Senior HIgh School, mas pinalalakas ang work immersion, field exposure, at arts apprenticeship. 🧑🏻‍🍳👩🏻‍⚕️🧑🏻‍🎨 Bukod sa pagpapalalim ng karanasan ng mga learner at mas mataas na readiness para sa employment o skills development, pinalalakas din ng guidelines ang mga hakbang upang siguraduhing protektado sila habang nasa workplace. 💼⚙️✅ BASAHIN: 🔗 bit.ly/DepEd_DO23_s2026 #ClarityOverComplexity #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachmentPost attachmentPost attachmentPost attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 13

Mas maraming pagkakataong maging pamilyar sa iba't ibang trabaho, makapagsasanay ng praktikal na kasanayan, at makakaranas ng aktwal na workplace ang Senior High School learners sa ilalim ng bagong guidelines ng Department of Education (DepEd) para sa work immersion, field exposure, at arts apprenticeship. Basahin: deped.gov.ph/2026/11/13/depe… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 12

Life of Pi: From Palaro Sprint King to Youth Olympic medalist! ✨ Congratulations, Pi Durden Wangkay, for bagging the bronze in the men’s 200m at the Youth Olympic Games! Noong 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte, tinanghal na Sprint King si Pi Durden Wangkay matapos masungkit ang ginto sa 100m at 200m athletics event. Mula sa DepEd, maraming salamat sa pagbibigay inspirasyon sa kabataang Pilipino! 🇵🇭 #YouthOlympics #Dakar2026 #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachment
DepEd avatar
DepEd@DepEd_PH·Nov 11

Mas ligtas na paaralan para sa bawat batang Legazpeño! Naglaan ang City Government of Legazpi ng 56 metal detectors para sa lahat ng pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod. Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga paaralan, patuloy nating palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral! #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas

Post attachmentPost attachment